May 16, 2024

Mother’s Day Celebration

The alarm clock is now off because my son’s final exam is finally over. Yey! It is almost summer vacation na, almost pa lang since my son would go back to school pa, kapag may schedule na for Recognition Practice. I just hope, sandali lang yung practice at hindi na one week. 

Last weekend was Mother’s Day and we don’t usually celebrate Mother’s Day kasi depende yan sa mood ko. Most of the time gusto ko lang magpahinga sa bahay. Inisiip ko nga kung nagcelebrate ba ko last year, parang wala naman ako pictures and yung last blog ko pa yung Mother’s Day Celebration in Norway

Anyway, my mom is here for a vacation, I suggested a family outing, an overnight or day trip just like our Day Trip in Laguna last March pero this time with my family naman. But the plan did not push through kasi hindi magkasundo sa schedule, may Saturday class yung iba and may hotel staycation. 

So my husband and I planned to go to Tagaytay na lang, this time with my mom and parents-in-law. We already informed both parties but unfortunately, it was cancelled because of my husband’s family emergency, hindi pwede parents niya and he needs to visit her mom. 

And dahil minsan lang naman ang Mother’s Day na nandito mama ko, kailangan may ganap. So lunch na lang ulit sa bahay but I already warned my family na Amber’s lang ang ipapakain ko. Hehehe! Nandito na kasi family ko nung first week of May kasi dumating nga mama ko. Amber’s pinakain ko sa kanila kasi yun ang madali para sa akin na iorder. Favorite ko iorder yung Party Favorites Bundle for potluck or panghanda. 

PHP3415 + Delivery Fee (Good for 15 pax) 

Pancit Malabon 
5 Pcs. Fried Chicken Drumsticks 
10 Pcs. Crispy Chicken Wings 
30 Pcs. Lumpiang Shanghai 
30 Pcs. Pichi-Pichi Cheese 
15 Pcs. Pork BBQ 

Hindi ako nagbibiro nung sinabi ko na Amber’s ulit pero this time, I checked Amber’s Menu and after so many years, ngayon lang ako nag-order ng hindi bbq at chicken. We are just a group of 11 persons so I ordered the following. Supposed to be lunch kaso 1:30PM na yung earliest na schedule na pwede madeliver. Sa isip-isip ko, magdessert na lang if late dumating. We have ensaymada and leche flan naman. 

Spaghetti PHP1,050 (16-20 pax) 
Pichi - Pichi with Niyog PHP280 (40 pcs.) 
Roasted Beef with Gravy PHP1250 ( 8-10 pax) 
Lechon Kawali PHP1,080 (8-10 pax) 





But God is so good kasi sabay dumating yung visitors and food so walang waiting time. And we all liked the food so mukhang mababago na ang order ko sa Amber’s. hehehe! The only downside nitong meal na ito, hindi pwedeng Cash On Delivery, kailangan paid na yung orders. Tumawag si hubby kasi nag-error sa online, so need pa niya magwait para sa payment details. 
Klook.com