October 28, 2019

4th World Travel Expo Experience

I’m itching to travel again so when I learned that we have two weeks semestral break, I immediately look for a place where we could spend our sembreak. Unfortunately, I was having a hard time kasi lagi na lang may problem, like hindi okay ang weather, mahal ang airfare or wala na ko makitang available resort or hotel na pasok sa budget. I don’t want to spend P10K/per night sa room because hindi naman kami magstaycation.

I want to travel but of course, I don’t want to hurt our savings so as much as possible I have to stick with our budget. Nainis din ko ng slight kasi sa school calendar namin, one-week lang semestral break so wala ko balak umalis. Then a week before sembreak, may nasagap ko na tsismis na two weeks daw ang sembreak namin dahil nasa South Korea mga school personnels. Pero last day of class na nag-inform si teacher and confirmed TWO WEEKS ANG SEMBREAK. Waah!

This is the reason, bakit Friday lang ang blog post ko last week because I was busy searching and planning for our trip. I stopped searching na lang kasi napagod na talaga ko kakahanap. I felt that I wasted my one week because wala din akong naplano and nastress lang ako. After few days, I checked kung may Travel Expo and voila, meron World Travel Expo at SMX Convention Center so napaluwas kami bigla. And the search is not yet over.

What: World Travel Expo 2019
Where: Function room 3, 4, and 5, SMX Convention Center, Mall of Asia, Pasay City
When:  October 25, 26, 27, 2019, 10 a.m. to 7 p.m.
Admission Fee: Php 80 - Adult and P50 for students, senior citizens, and PWD.


I checked the list of exhibitors and ang konti lang, wala nga ko nakita na airlines. Nagpunta pa rin kami and totoo nga ang konti lang talaga ng nagjoin. Mas marami pa yung nag-aalok ng credit card at nagpapafill-out ng kunyari raffle ticket na may kasamang salary and position sa sasagutan kaysa sa mga nagbibigay ng flyers. Wala rin gaano mga freebies. Malayo siya sa naexperience na namin sa ibang travel expo like PTAA Travel Tour Expo and Philippine Travel Mart. Anyway, this is the 4th World Travel Expo so mag-improve din sila in the future.




Kahit konti lang ang nagjoin, hindi naman nasayang ang punta namin. We availed the PHP600 (from PHP1200) Japan Visa Processing, malay mo makabalik kami ng Japan. hehehe! I have 3 months to use the voucher and submit our requirements. I also bought 2 Stanley Food Jar at PHP1589 each less 25% off. Lastly, we booked 2 Palmera Suites at The Farm at San Benito (PHP8000 nett/per room). We checked other resorts and hotels pero dahil ang laki ng discount sa The Farm at San Benito kaya dito kami nagbooked. Matatanggal na rin siya sa bucket list ko. :)


No comments:

Post a Comment